Korni. Pakamatay ka na lang. Yan ang lagi
kong sinasabi sa mga kaibigan ko tuwing nagkakagusto sila sa babae. Para kasi
silang mga tanga. Kung anu-anong pinagsasabi. Bigla na lang nagiging makata.
Kahit wala namang assignment sa school para gumawa ng tula, ipaparinig pa sa
amin ang mga gawa nila. Tapos ipapangalan pa nila sa babaeng gusto nila. Hindi
ko alam kung saang diksyunaryo pa nila hinugot yung mga vokabularyong ginamit
nila. Susungkitin ang mga bituin, iaalay ang buwan, tatawirin ang mga bundok at
ilog. Tang'na, mangako ka naman ng posible, tulad ng ako lagi ang manlilibre sa
sinehan, o kaya lagi kitang ihahatid sundo sa eskwela. Kaya tuloy walang
relasyon ang tumatagal kasi pag inasahan na ni babae ang mga bituin sa langit,
kahit dyamante sa lupa ay walang maibigay si lalaki. Pag nagmahal talaga ang
tao akala niya wala ng imposible sa kanya pero pag sinampal na siya ng realidad
saka niya pa lang malalaman na kahit mabuhay pa siya habambuhay ay hindi siya
makakarating ng bituin dahil masyadong mainit doon at mamamatay lang siya.
Siyempre mayabang ako, hindi pa ako
nai-inlove eh. Nasa tama pa akong pag-iisip. Normal pa rin ang aking pagkilos.
Hindi pa ako tatanga-tanga at uto-uto. Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko
pag may nagugustuhan silang babae at lagi nilang sinasabing ito na daw ang
nakatakda sa kanila, libog lang yan brad, pagkatapos mong mag-bate, mandidiri
ka na rin sa kanya. Sa una talaga, akala mo lang na perpekto siya at ang mga
katangahan niya ay cute pa. Pero hintayin mong maamoy ang utot niyan, tingnan
natin kung gusto mo pa rin yan. Ganito kasi yan mga men, payo ko sa kanila,
hindi porque't maganda ang isang babae ay tadhana na kayo, unang una hindi
totoo ang tadhana, malaya tayo kung sino ang gusto nating mahalin, at
pangalawa, enjoy lang, huwag niyo munang masyadong isipin ang commitment habang
bata pa, darating din ang tamang edad para diyan at iyon ay habambuhay ng
commitment, masyado nang magastos para sirain.
Pero katulad ng kuwento ng bawat bida ay
mayroon din akong downfall. Nakilala ko ang Delilah ng buhay ko. Alam kong
korni pero sasabihin ko talaga 'to. Ngayon ko lang naramdaman 'to sa isang
babae, men. Ngayon ko lang naranasan ang literal na pagkabog ng puso ko na
parang lalabas sa dibdib ko tuwing nakikita ko siya. Nakabawi tuloy ang mga
walanghiya kong kaibigan. Kahit anong tago ko sa kanila, napansin pa rin nila,
ganun pala talaga yun. Yung isa kong kaibigan, tinawag kunwari ang pangalan
nung babae, siyempre ako naman nabigla, kaya hinanap ko siya sa paligid,
concern ako eh, yun pala wala naman. Nagmukha daw akong tanga, nawala ang
coolness ko. Hindi ko yun napansin, yung pagbabago sa kilos ko, kung hindi lang
ako paulit-ulit na inaasar ng mga kaibigan ko. Eh wala na rin akong nagawa,
inamin ko na rin sa kanila. Aba, nagsigawan, nakita ko na raw ang katapat ko.
Siyempre bilang astig na binata, hindi ako papayag na maliitin ng pag-ibig.
Yabang ko sa kanila, madali lang naman makuha ang mga babae, kaunting lambing
lang diyan, kaunting bola, bigyan mo lang din ng kaunting oras, pagkatapos
niyan, parang asong ulol na yan na sunod ng sunod sa'yo. Ganun talaga kami pag
usapang lalaki, brutal, kailangan astig pa din. Pero putik sa loob-loob ko,
saan ko ba nakuha ang kayabangan ko, kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam
ang tamang gagawin. Wala akong alam sa babae! Dahil hangga't maaari ayoko
talagang magkagusto sa kanila. Iwas ako ng iwas sa kanila kasi ayokong
magmukhang tanga katulad ng mga kaibigan ko, gusto kong panatilihin ang imahe
ko ng pagiging astig. At nabiktima ako ng kayabangan ko, binigyan nila ako ng
dare, na alam nilang hindi ko tatanggihan dala ng aking pangangalaga sa imahe,
yun ang problema sa mga kaibigan, kilala ka na nila, sa loob daw ng isang buwan
ay dapat na maging kami na ng babae. Puta! Hindi ako marunong manligaw, anong
gagawin ko? Hindi ko naman mabawi ang mga pinagsasabi ko. Isang buwan lang,
tanong ko. Aba, ang yabang ko daw, nagpustahan pa silang mababasted daw ako,
ako lang ang pumusta sa sarili ko. Naipit talaga ako. Mukhang wala na talaga
akong ibang pagpipilian kundi gamitin ang mga tips na binibigay ko sa mga bata
ko. Madali lang lahat sabihin pero mas mahirap pa ang timing kung kailan
gagawin. Sabi ko nga sa kanila, isang pagkakamali mo lang sa unang impresyon ng
babae sa'yo laglag ka na. Ngayong iniisip ko ang mga pinagsasabi ko, saan ko
nga ba hinugot iyon kung hindi man sa karanasan. At dahil ako'y isang astig,
tinanggap ko ang kanilang hamon. Mapapasaakin si Delilah sa loob ng isang
buwan.
Tang'na, sana nabasted na lang ako. Ngayon
ko lang napagtanto na may mas malupit pa pala doon, yung uso ngayon,
friendzone. Men, na-friendzone ako.
Masakit. Sobrang sakit. Nagmukha pa akong sumasakay sa bandwagon. Nasama ako sa
mga biktima ng pop culture. Kung basted kaya ko pang tanggapin, kasi ayaw niya
talaga sa akin, kung ayaw na niya akong makita, eh di fine. Magmo-move-on na
lang ako. Pero friendzone? Parang sinabi niya sa'yo na hindi kita gusto pero
gusto ko diyan ka lang sa tabi ko para umasa ka ng umasa at magamit kita lagi.
Siguro akala nila nagiging mabait sila pag sinabi nila sa nanliligaw sa kanila
na hanggang friends lang sila pero sa totoo lang mas malupit pa sila. Paano
naaatim ng mga babae na paulit-ulit na saktan ang puso ng mga lalaking biktima
lang ng kanilang pag-ibig. Alam ba nilang pag nanligaw ang lalaki ibig sabihin nun
ay gustong gusto talaga namin sila. Handa naming isakripisyo ang sakit ng
mabasted para lang mabigyan ng pagkakataong mapaligaya ang babaeng gusto namin.
Tapos friends lang? Gago ba kayo, manliligaw ba kami kung pakikipagkaibigan
lang ang gusto namin?
Gusto ko talagang itago 'to sa mga kaibigan
ko pero wala talagang lusot. Nalaman pa rin nila. Walang humpay na kantiyaw ang
inabot ko. Ako daw ang hari ng friendzone. Nasaan na daw ang aking karisma sa
mga babae. Puta talaga, tiniis ko na lang, wala rin naman akong isasagot kasi
totoo. Nakakinis lang talaga na kung kailan ako nagkagusto ay wala pang gusto
sa akin. At dahil wala siyang gusto sa akin ay mas lalo ko siyang nagugustuhan.
Kahit ako, hindi ko makuha ang sarili kong logic.
Pagkatapos kong marinig na hanggang
kaibigan lang ang pwede sa amin ay gusto ko na siyang iwasan para hindi na ako
mabiktima ng kanyang mga ngiti pero araw-araw naroon ako sa tapat ng gate
naghihintay lang para abangan na makita siya. Kahit hindi ako mahilig sa mga
streetfoods dahil tingin ko ay madumi, kumakain ako nun para lang kunwaring
masabayan ko siya, tuloy, pagtatae ang inaabot ko lagi pag-uwi sa bahay.
Sumasali na rin ako ng mga club nang malaman kong miyembro siya ng isang club.
Kunwari active ako at umaatend ng mga meeting pero ang ginagawa ko lang talaga
ay pasimpleng sulyap sa kanya at pagtatanong kunwari ng mga hindi ko
naintindihan. Tangina mukha talaga akong tanga. At habang tumatagal ay mas lalo
pa akong nahuhulog sa kanya. Para akong maysakit na ayokong gumaling dahil
masaya ako dito kahit pating-tingin lang. Kahit friends lang.
Isang araw nagkalakas ako ng loob na ayain
siya. Dapat date pero nang nasa harap ko na siya, bigla akong naduwag, niyaya
ko na lang siyang sabay kaming pumunta ng meeting, pero at least first step na
'yon. Malaking bagay na iyon para sa akin. Pero habang naglalakad kami ng
sabay, wala akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan. Mabilis pa siyang
maglakad. Sayang ang oportunidad. Hanggang ngayon nanghihinayang ako sa
pagkakataong iyon, sana dapat pala ay nag-isip muna ako ng topic bago ko siya
inaya. Kaso kinakabahan talaga ako eh.
Pero hindi talaga ako tumigil, ngayon lang
ako nagkagusto ng ganito eh, hindi ko na mapigilan ang sarili ko mula sa
pagkahulog sa katangahan. Nanligaw pa rin ako. Ano pa bang worst na mangyayari
kundi friendzone at basted, na naranasan ko naman na, atleast kung manligaw ako
kahit papaano ay may pag-asa. Hindi naman niya ako pinigilan, sabi niya bahala
na daw ako, pero hindi niya ako gusto kaya huwag na daw akong umasa. Nang
marinig ko yun, tawag ako sa mga kaibigan ko, nag-inuman kami. Nagpakalasing
ako hanggang sa tumigil yung boses niya na paulit-ulit sa utak ko. Naramdaman
ko na rin ang sakit na nararamdaman ng mga tanga kong kaibigan. May respeto na
ako para sa kanila. Sabi ko sa kanila, kahit basted o friendzone tuloy lang ang
laban. Cheers!
Isang araw may binili ako para sa kanyang
pulang rosas. Ibibigay ko sana bago pumasok sa eskuwela, tapos may ginawa akong
simpleng tula na nakasulat sa stationery paper, nanghingi pa ako sa kapatid ko,
in love daw ako. Paano niya nalaman, humingi lang naman ako ng mabangong papel.
Basta ganun daw yun. OK. Hinintay ko siya sa tapat ng kuwarto nila. At ang
sunod kong mga nakita ay nakapagpahinto ng mundo ko. Ito yung isa sa mga bagay kaya ayaw na ayaw
ko ang pakiramdam na ito. Wala kang choice. Nang makita ko siya na may kasabay
na ibang lalaki sa corridor, wala akong ibang naramdaman kundi sakit. Parang
tinarakan ako ng higanteng ineksyon sa puso. Hindi ako makahinga ng maayos
dahil naninikip ang dibdib ko. Nakangiti pa siya, mukhang masaya. Sana tamaan
na lang ako ng kidlat ng sandaling iyon. Pero walang kidlat na dumating. Dumaan
sila sa harap ko, masayang nag-uusap, hindi niya man lang ako napansin. Pumasok
siya ng kuwarto nang hindi ko nabigay ang dala kong tula at oras sa kanya.
Tinago ko sa loob ng uniporme ko ang mga dala ko. Dumerecho akong cr at
kinandado ang pinto. Tinapon ko ang rosas at sulat ko at sinunog kasama ng
ibang mga basura. Wala nang ebidensya ng katangahan ko. Hindi ako pumasok sa
klase ko at natulog na lang sa rooftop. Pagkauwi, mag-isa akong uminom. Gusto
kong solohin ang sakit ko ngayon, gusto kong maramdaman ng buong buo para
madala na ako at hindi na maulit pa ang katangahan kong ito.
Naging matigas ako. Hindi na ako muling
manliligaw o kaya ay magkakagusto sa mga babaeng hindi naman ako gusto.
Sasaktan ko lang ang aking sarili
Itutuloy... at aayusin pag sinipag.
reklama google ads kampania adwords cennik https://agencja-adwords.premiumkalisz.eu/ kampanie reklamowe adwords
TumugonBurahintesty psychologiczne policja test psychologiczny do policji online testy policyjne 2022
TumugonBurahintest do policji przykładowe testy psychologiczne do policji policja testy
TumugonBurahinpsychotesty do policji 2022 policja multiselect 2022 test multiselect
TumugonBurahinpsycholog w berlinie cennik psycholog berlin 2022 pomoc psychologiczna berlin cennik
TumugonBurahinpolski psychoterapeuta berlin cennik psycholog polski berlin 2022 polski gabinet psychoterapii w berlinie 2022
TumugonBurahinusługi ogrodnicze łódź opinie ogrodnictwo łódź opinie projekt ogrodu łódź
TumugonBurahinpastillas para alargar el miembro en colombia como agrandar el glande pastillas para agrandar el pené en argentina , como agrandar el pené en casa , como agrandar el miembro masculino en casa
TumugonBurahincrema para agrandar el pené sirven pastillas para agrandar el miembro viril peru pastillas para agrandar el miembro masculino en chile , pastillas para alargar el miembro peru , como agrandar el ojo sin maquillaje
TumugonBurahincomment faire pour bander plus fort comment grandir mon penice comment agrandir le pinise , comment faire agrandir son zizi a 12 ans
TumugonBurahincomment agrandir son pull en laine comment agrandir son regard maquillage comment faire grossir la poitrine d'un homme , comment agrandir une photo sur ordinateur
TumugonBurahinpreparaty na powiększanie penisa tabletki na powiększanie penisa http://new-xxlenlargement24.eu/ jak powiększyć członka
TumugonBurahinjak powiękrzyć penisa https://swift-enlargement.info/ powiekszenie peniasa powiekszanie penisa opinie
TumugonBurahinleki na powiększenie członka wydłużanie penisa https ://enlargement-classification.eu/ cos na powiekszenie czlonka
TumugonBurahincomment faire grossir le pennis comment grossir vite des cuisses comment faire grossir la poitrine naturellement , comment agrandir son pinis
TumugonBurahinwzrost penisa feromony ranking https://instant-enlargement.info/ jak przedluzyc penisa
TumugonBurahingrößerer penis penis vergrösern
TumugonBurahinschwanz vergrößern penis vergrößerung pillen
TumugonBurahintest wiedzy do policji testy policja 2022 psychotesty do policji
TumugonBurahinwie kann man penis vergrößern pennis vergrösserung
TumugonBurahinmultiselect test 2022 multiselect pytania test wiedzy do policji
TumugonBurahinadwords https://agencja-adwords.premiumkalisz.eu/ google adwords reklamy google ads
TumugonBurahinpsycholog po polsku berlin cennik psycholog w berlinie 2022 psycholog w berlinie 2022
TumugonBurahin