Biyernes, Nobyembre 29, 2013

ParaTula: Hu u?

Sino ka?

Kung...

Hindi ikaw ang pangalan at apelyido mo.
Hindi ikaw ang ikaw at ako.
Hindi ikaw ang palayaw mo.

Hindi ikaw ang iniisip mo.
Hindi ikaw ang iniisip mong ikaw.
Hindi ikaw ang nakikita mo sa harap ng salamin.
Hindi ikaw ang katawan mo.

Hindi ikaw ang taas ng suweldo mo.
Hindi ikaw ang mga pag-aari mo.
Hindi ikaw ang pera mo sa bangko.
Hindi ikaw ang mga narating mo.
Hindi ikaw ang pagkakadapa mo.
Hindi ikaw ang kabutihan mo.
Hindi ikaw ang kasamaan mo.
Hindi ikaw ang katalinuhan mo,
Hindi ikaw ang kabobohan mo.

Hindi ikaw ang pinag-aralan mo.
Hindi ikaw ang trabaho mo.
Hindi ikaw ang kultura mo.
Hindi ikaw ang lahi mo.
Hindi ikaw ang relihiyon mo.
Hindi ikaw ang paniniwala mo.

Hindi ikaw ang papuri ng mga kaibigan mo.
Hindi ikaw ang panglalait ng kaaway mo.
Hindi ikaw ang anak ng mga magulang mo.
Hindi ikaw ang kapatid ng tao.

Hindi ikaw ang emosyon mo.
Hindi ikaw ang persepsyon mo sa mundo.
Hindi ikaw ang persepsyon sa iyo ng mundo.
Hindi ikaw ang mga bagay na gusto mo.
Hindi ikaw ang mga bagay na ayaw mo.

Hindi ikaw ang paniniwala ng relihiyon sa iyo.
Hindi ikaw ang pagtingin ng siyensya sa iyo.
Hindi ikaw ang paggamit ng lipunan sa iyo.
Hindi ikaw ang pagtingin mo sa pagtingin ng dios mo sa iyo.

Hindi ka regular.
Hindi ka espesyal.
Hindi sa iyo umiikot ang mundo.

Sino ka?

Sabado, Nobyembre 23, 2013

Short Series: Ellimac

"Sino ka?" tanong niya sa akin.
"Ha? Ako?" tanong ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung ako nga ba ang kinakausap niya.
Nakatingin lang siya sa akin, hindi nagsalita. Matagal. Para akong binabalatan. Hindi ko natiis ang mga mata niyang parang pinapasok ang kaluluwa ko.
"A-ako, ako po si K-Kor." Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi naman ito interview. At higit sa lahat, hindi ko siya kilala. Ano nga bang kinakatakot ko. Hindi rin naman siya mukhang holdaper.
"Ok, Kor. Gusto mo ba akong maging girlfriend?" Inakbay niya ang kanyang braso sa aking balikat, tumingin sa mata ko at kumindat. Tumalon ang puso ko, literal, muntik ng lumabas sa  aking dibdib, buti na lang at napigilan. Nakatulala lang ako sa kanya. Tiningnan ko siya na parang hibang. Girlfriend? Girlfriend? Girlfriend? Hindi maalis sa utak ko ang salitang girlfriend.
"Huy, tinantanong kita." Sinampal niya ako ng mahina sa pisngi. Nawala ako sa kamalayan.
Ha, lang ang nasagot ko sa kanya.
"Ayaw mo ba?" tanong niya ulit sa akin.
Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito. Ni hindi ko  pa nga alam ang pangalan niya. Pero ayaw ko rin namang palampasin ang pagkakataon na magkaroon ng girlfriend. Saan ka ba nakakita ng babaeng nag-aalok na maging girlfriend niya.
"Pwede bang pag-isipan ko muna?" tanong ko sa kanya.
"Sige, pero mga limang minuto lang. May lakad pa kasi ako."
Tiningnan ko siya. Hmm... Mas matangkad ako ng kaunti sa kanya kaya ayos lang sa height. Maputi naman. Sakto lang ang tangos ng ilong sa mukha. Manipis ang labi pero mahaba ang guhit. OK naman yung ngipin. Yung mata niya. Yung mata niya ang hindi ko matiis. Para akong kinukulong sa sarili niyang mundo pag tinitingnan niya ako. Yung boobs niya, sakto sa kamay ko. Ano kayang cup niya. Pag sinagot ko siya at naging girlfriend, free access na ako sa boobs niya! Shet. Baka nga higit pa eh. Hi hi hi. OK decided na.
"OK, sige payag na akong maging girlfriend ka." Nginitian ko siya pagtapos ng matinding pag-iisip at pagtimbang.
"Nakatingin ka sa boobs ko."
"Ah eh, sorry." Napahiya ako dun ah. Hindi ko nalabanan ang pagiging lalaki ko. Baka isipin niya na sinagot ko lang siya dahil sa boobs niya.
"Siguro pumayag ka lang dahil gusto mong mahawakan ang boobs ko no?"
"Ha? Hindi ah. Sinagot kita kasi, ano..." Ano nga ba.
"OK lang. Mahahawakan mo din yan basta pasayahin mo lang ako."
"Talaga?" Talaga? Talaga? Talaga? As in? Hindi ko napigilan ang aking ngiti. Paano ko kaya siya mapapasaya. Yes, sa wakas, makakahawak na rin ng boobs ang aking mapapalad na palad.
"O siya. Samahan mo na ako."
"Saan?"
"Basta akong bahala sa'yo. Isipin mo na lang na ito ang first date natin."
"May trabaho pa ako eh."
Huminga siya ng malalim, "OK, ano ang mas importante, pera o pag-ibig?" tanong niya sa akin.
Ano bang isasagot ko. Malamang pag sinagot kong pag-ibig pipilitin niya akong sumama sa kanya at huwag nang pumasok sa trabaho. Pag trabaho naman ang pinili ko, baka makipagbreak na agad siya dahil hindi naman pala siya ang priority ko. Hindi ko na mahahawakan ang boobs niya. Umasa lang ako sa wala. Ano ba. Ano bang gagawin ko. Ito na siguro ang pinakamahirap na desisyon ko pagdating sa pag-ibig.
"Huy. Ano na? Pipili ka lang naman ng isa, pag-ibig o pera. Ano ba sa tingin mo ang mas mahalaga sa'yo. Huwag kang mag-alala hindi kita pipilitin."
"Ahh. Pag-ibig na lang siguro."
"O yun naman pala eh. Tara na." Hinatak niya ang kamay ko hanggang sa makasakay na kami ng taxi. Anong sasabihin ko bukas nito sa boss ko? Anong palusot ko? Kaka-leave ko lang noong nakaraang linggo eh. Hay, bahala na. Pinili ko ang pag-ibig eh. At least may girlfriend na rin ako.

Lunes, Setyembre 23, 2013

Conversations [EXPLICIT]: MU (Miss Understanding)

Shit ka!

Aray! Bakit?

Huwag mo nang ipapakita yang mukha mo sa akin kahit kailan. Tangina mo ka.

Ha? Ano bang nangyayari. Hoy. Kausap pa kita. Saan ka pupunta?

Pu –tang-ina-mo, bitawan mo ako. Kundi sisigaw ako dito.

Ok. Ayan. Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari.

Ang kapal ng mukha mo. Tatanungin mo pa. Huling huli ka na.

What the fuck. Ano bang pinagsasabi mo? Sandali lang. Hoy. Ano ba? Tangina, hindi mo man lang ba 
sasabihin kung anong nangyayari? Hoy, bumalik ka dito.

Huwag mo akong sundan!

Ok. Sige. Pero sabihin mo sa akin kung anong nangyayari. Anong problema mo?

Anong problema ko? Wow ha, nakakahiya naman sa’yo. Ako pa pala ang may problema.

Bakit? Ako ba ang may problema? Ako ba ang bigla na lang nagsisisigaw sa kalsada at nageeskandalo?

Tangina mo talaga ka eh no?

Mas tangina ka! Mura ka ng mura, sigaw ka ng sigaw. Hindi mo sinasabi kung anong problema mo.

Eh gago ka pala eh.

Aray!

Eto tandaan mo. Sa susunod na makita ko pa yang pagmumukha mo, papatayin na kita. Tandaan mo yan. Kaya magtago ka na sa lungga ng nanay mo.

Alam mo, tama na. Tama ka, huwag na tayong magkita. Sawa na ako sa mga bullshit mo. Sawa na akong tiisin ka.

So, ikaw pa pala ang mabuting tao ngayon. Ikaw pa ang nagtitiis. Hiyang hiya talaga ako sa kapal ng mukha mo no.

Tanginaaa. Sasabihin mo lang kung anong pinagpuputok ng butsi mo. Yun lang, hindi mo pa magawa.

Alam mo, tama talaga yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko sa’yo. Bakit kasi hindi ako nakinig sa kanila. Asshole ka! Tangina mo kang asshole ka. Sana mamatay ka na.

Hay. Bahala ka.

Siraulo to. Ikaw pa ang may ganang tumalikod.

Bahala ka sa buhay mo. Baliw!

Ulol! Kung baliw ako, ano ka pa? Demonyo!

Baliw!

Demonyo!

Baliw!

Demonyo!


Baliw!

Biyernes, Agosto 23, 2013

Shorts: Surprise I

It's her birthday tomorrow. I'm sure she'll gape at me for the surprise we've prepared for her. We have worked so hard waiting for this opportunity. And now it's here. From now on, our lives will change. We won't have to look back at our tragic past anymore. We will live the way we always wanted to be. Our dream life starts now.

The next day I woke her up.
"Honey, good morning. Wake up." I smiled at her.
She smiles back and kisses my cheek. We hug for a long time. We haven't done this for a while. I feel relieved.
"Good morning, Mom."
We went to the kitchen and eat our breakfast. I did not prepare any food for the occasion. I convinced my son and husband to act like it's a normal day today, nothing significant. Pretend that we have no idea how special it is today. They both agreed to be my accomplices.
As we eat, I study her face, her eyes wide open, waiting for something. A word, a greeting, a thought, but nothing came. We talk about the usual things, our food business, politics, sports, current affairs, and of course, showbiz. Not dropping a hint that today is a special day. Our plan is to disappoint her first. Let her think that we have no idea about her birthday, it makes the surprise even more intense.
"Aren't you guys forgetting something today?" she asked. Not smiling anymore.
"Not that I know of, is there?" dad answered.
"Yeah. I remember. It's-" said my son. She smiled, half-expecting. "It's Jejo. I forgot to feed him."
Jejo is our pet dog. We laughed except for her.
"Oh yes, it's Jejo. Anyway, Forget it." She walked out of the table and went to her room.
"Do you have any plans for today, honey?" I asked her.
"No. Mom, maybe I'll stay here for a while." Closing the door.
This is the perfect moment. I called the boys and get my surprise for her. We knocked at her door.
"What?" she asked.
"Just open the door, please," dad said.
She opened the door lazily and see us standing there. Me, holding a small box. I gave it to her and we sing her happy birthday. She looks totally surprised. The face I am hoping to see. After the song, we urge her to open our gift.
"Is this what I'm expecting it is?" she asked. Tears in her eyes is welling up.
"See it for yourself," my son answered.
She opened it. The look at her face made me cry. She also cried. She doesn't spoke a word. We end up having a group hug.
"Is this true?" Assuring.
We went outside and show her where the key belongs to. A pink car. She rotatingly jumps and hugs us. She cannot contain her emotion. She lied at the front of the car and inspected its details. Touch its every corner. I can see the brightness in her face. The surprise.
"You're the best mom and dad in the world! Thank you!" She kissed our cheeks.

But our surprise does not end there. I'm sure she'll be more surprise for what's coming next. We ride in her car and went to the venue for our next stop. It's my daughter's first time  to drive her own car. She was very happy. We arrived at the NBC tent. She still has no idea what's going to happen next. She keeps on asking what we are doing here. "You'll see," dad answered her, smiling.
The  surprise is waiting at the big tent. The organizers are waiting for us at the entrance. They look happy to see us. On to our next gift.


Linggo, Hunyo 30, 2013

Manuscript (unedited;unfinished): FZ

Korni. Pakamatay ka na lang. Yan ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko tuwing nagkakagusto sila sa babae. Para kasi silang mga tanga. Kung anu-anong pinagsasabi. Bigla na lang nagiging makata. Kahit wala namang assignment sa school para gumawa ng tula, ipaparinig pa sa amin ang mga gawa nila. Tapos ipapangalan pa nila sa babaeng gusto nila. Hindi ko alam kung saang diksyunaryo pa nila hinugot yung mga vokabularyong ginamit nila. Susungkitin ang mga bituin, iaalay ang buwan, tatawirin ang mga bundok at ilog. Tang'na, mangako ka naman ng posible, tulad ng ako lagi ang manlilibre sa sinehan, o kaya lagi kitang ihahatid sundo sa eskwela. Kaya tuloy walang relasyon ang tumatagal kasi pag inasahan na ni babae ang mga bituin sa langit, kahit dyamante sa lupa ay walang maibigay si lalaki. Pag nagmahal talaga ang tao akala niya wala ng imposible sa kanya pero pag sinampal na siya ng realidad saka niya pa lang malalaman na kahit mabuhay pa siya habambuhay ay hindi siya makakarating ng bituin dahil masyadong mainit doon at mamamatay lang siya.
Siyempre mayabang ako, hindi pa ako nai-inlove eh. Nasa tama pa akong pag-iisip. Normal pa rin ang aking pagkilos. Hindi pa ako tatanga-tanga at uto-uto. Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko pag may nagugustuhan silang babae at lagi nilang sinasabing ito na daw ang nakatakda sa kanila, libog lang yan brad, pagkatapos mong mag-bate, mandidiri ka na rin sa kanya. Sa una talaga, akala mo lang na perpekto siya at ang mga katangahan niya ay cute pa. Pero hintayin mong maamoy ang utot niyan, tingnan natin kung gusto mo pa rin yan. Ganito kasi yan mga men, payo ko sa kanila, hindi porque't maganda ang isang babae ay tadhana na kayo, unang una hindi totoo ang tadhana, malaya tayo kung sino ang gusto nating mahalin, at pangalawa, enjoy lang, huwag niyo munang masyadong isipin ang commitment habang bata pa, darating din ang tamang edad para diyan at iyon ay habambuhay ng commitment, masyado nang magastos para sirain.
Pero katulad ng kuwento ng bawat bida ay mayroon din akong downfall. Nakilala ko ang Delilah ng buhay ko. Alam kong korni pero sasabihin ko talaga 'to. Ngayon ko lang naramdaman 'to sa isang babae, men. Ngayon ko lang naranasan ang literal na pagkabog ng puso ko na parang lalabas sa dibdib ko tuwing nakikita ko siya. Nakabawi tuloy ang mga walanghiya kong kaibigan. Kahit anong tago ko sa kanila, napansin pa rin nila, ganun pala talaga yun. Yung isa kong kaibigan, tinawag kunwari ang pangalan nung babae, siyempre ako naman nabigla, kaya hinanap ko siya sa paligid, concern ako eh, yun pala wala naman. Nagmukha daw akong tanga, nawala ang coolness ko. Hindi ko yun napansin, yung pagbabago sa kilos ko, kung hindi lang ako paulit-ulit na inaasar ng mga kaibigan ko. Eh wala na rin akong nagawa, inamin ko na rin sa kanila. Aba, nagsigawan, nakita ko na raw ang katapat ko. Siyempre bilang astig na binata, hindi ako papayag na maliitin ng pag-ibig. Yabang ko sa kanila, madali lang naman makuha ang mga babae, kaunting lambing lang diyan, kaunting bola, bigyan mo lang din ng kaunting oras, pagkatapos niyan, parang asong ulol na yan na sunod ng sunod sa'yo. Ganun talaga kami pag usapang lalaki, brutal, kailangan astig pa din. Pero putik sa loob-loob ko, saan ko ba nakuha ang kayabangan ko, kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang tamang gagawin. Wala akong alam sa babae! Dahil hangga't maaari ayoko talagang magkagusto sa kanila. Iwas ako ng iwas sa kanila kasi ayokong magmukhang tanga katulad ng mga kaibigan ko, gusto kong panatilihin ang imahe ko ng pagiging astig. At nabiktima ako ng kayabangan ko, binigyan nila ako ng dare, na alam nilang hindi ko tatanggihan dala ng aking pangangalaga sa imahe, yun ang problema sa mga kaibigan, kilala ka na nila, sa loob daw ng isang buwan ay dapat na maging kami na ng babae. Puta! Hindi ako marunong manligaw, anong gagawin ko? Hindi ko naman mabawi ang mga pinagsasabi ko. Isang buwan lang, tanong ko. Aba, ang yabang ko daw, nagpustahan pa silang mababasted daw ako, ako lang ang pumusta sa sarili ko. Naipit talaga ako. Mukhang wala na talaga akong ibang pagpipilian kundi gamitin ang mga tips na binibigay ko sa mga bata ko. Madali lang lahat sabihin pero mas mahirap pa ang timing kung kailan gagawin. Sabi ko nga sa kanila, isang pagkakamali mo lang sa unang impresyon ng babae sa'yo laglag ka na. Ngayong iniisip ko ang mga pinagsasabi ko, saan ko nga ba hinugot iyon kung hindi man sa karanasan. At dahil ako'y isang astig, tinanggap ko ang kanilang hamon. Mapapasaakin si Delilah sa loob ng isang buwan.

Tang'na, sana nabasted na lang ako. Ngayon ko lang napagtanto na may mas malupit pa pala doon, yung uso ngayon, friendzone.  Men, na-friendzone ako. Masakit. Sobrang sakit. Nagmukha pa akong sumasakay sa bandwagon. Nasama ako sa mga biktima ng pop culture. Kung basted kaya ko pang tanggapin, kasi ayaw niya talaga sa akin, kung ayaw na niya akong makita, eh di fine. Magmo-move-on na lang ako. Pero friendzone? Parang sinabi niya sa'yo na hindi kita gusto pero gusto ko diyan ka lang sa tabi ko para umasa ka ng umasa at magamit kita lagi. Siguro akala nila nagiging mabait sila pag sinabi nila sa nanliligaw sa kanila na hanggang friends lang sila pero sa totoo lang mas malupit pa sila. Paano naaatim ng mga babae na paulit-ulit na saktan ang puso ng mga lalaking biktima lang ng kanilang pag-ibig. Alam ba nilang pag nanligaw ang lalaki ibig sabihin nun ay gustong gusto talaga namin sila. Handa naming isakripisyo ang sakit ng mabasted para lang mabigyan ng pagkakataong mapaligaya ang babaeng gusto namin. Tapos friends lang? Gago ba kayo, manliligaw ba kami kung pakikipagkaibigan lang ang gusto namin?
Gusto ko talagang itago 'to sa mga kaibigan ko pero wala talagang lusot. Nalaman pa rin nila. Walang humpay na kantiyaw ang inabot ko. Ako daw ang hari ng friendzone. Nasaan na daw ang aking karisma sa mga babae. Puta talaga, tiniis ko na lang, wala rin naman akong isasagot kasi totoo. Nakakinis lang talaga na kung kailan ako nagkagusto ay wala pang gusto sa akin. At dahil wala siyang gusto sa akin ay mas lalo ko siyang nagugustuhan. Kahit ako, hindi ko makuha ang sarili kong logic.
Pagkatapos kong marinig na hanggang kaibigan lang ang pwede sa amin ay gusto ko na siyang iwasan para hindi na ako mabiktima ng kanyang mga ngiti pero araw-araw naroon ako sa tapat ng gate naghihintay lang para abangan na makita siya. Kahit hindi ako mahilig sa mga streetfoods dahil tingin ko ay madumi, kumakain ako nun para lang kunwaring masabayan ko siya, tuloy, pagtatae ang inaabot ko lagi pag-uwi sa bahay. Sumasali na rin ako ng mga club nang malaman kong miyembro siya ng isang club. Kunwari active ako at umaatend ng mga meeting pero ang ginagawa ko lang talaga ay pasimpleng sulyap sa kanya at pagtatanong kunwari ng mga hindi ko naintindihan. Tangina mukha talaga akong tanga. At habang tumatagal ay mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya. Para akong maysakit na ayokong gumaling dahil masaya ako dito kahit pating-tingin lang. Kahit friends lang.
Isang araw nagkalakas ako ng loob na ayain siya. Dapat date pero nang nasa harap ko na siya, bigla akong naduwag, niyaya ko na lang siyang sabay kaming pumunta ng meeting, pero at least first step na 'yon. Malaking bagay na iyon para sa akin. Pero habang naglalakad kami ng sabay, wala akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan. Mabilis pa siyang maglakad. Sayang ang oportunidad. Hanggang ngayon nanghihinayang ako sa pagkakataong iyon, sana dapat pala ay nag-isip muna ako ng topic bago ko siya inaya. Kaso kinakabahan talaga ako eh.
Pero hindi talaga ako tumigil, ngayon lang ako nagkagusto ng ganito eh, hindi ko na mapigilan ang sarili ko mula sa pagkahulog sa katangahan. Nanligaw pa rin ako. Ano pa bang worst na mangyayari kundi friendzone at basted, na naranasan ko naman na, atleast kung manligaw ako kahit papaano ay may pag-asa. Hindi naman niya ako pinigilan, sabi niya bahala na daw ako, pero hindi niya ako gusto kaya huwag na daw akong umasa. Nang marinig ko yun, tawag ako sa mga kaibigan ko, nag-inuman kami. Nagpakalasing ako hanggang sa tumigil yung boses niya na paulit-ulit sa utak ko. Naramdaman ko na rin ang sakit na nararamdaman ng mga tanga kong kaibigan. May respeto na ako para sa kanila. Sabi ko sa kanila, kahit basted o friendzone tuloy lang ang laban. Cheers!

Isang araw may binili ako para sa kanyang pulang rosas. Ibibigay ko sana bago pumasok sa eskuwela, tapos may ginawa akong simpleng tula na nakasulat sa stationery paper, nanghingi pa ako sa kapatid ko, in love daw ako. Paano niya nalaman, humingi lang naman ako ng mabangong papel. Basta ganun daw yun. OK. Hinintay ko siya sa tapat ng kuwarto nila. At ang sunod kong mga nakita ay nakapagpahinto ng mundo ko.  Ito yung isa sa mga bagay kaya ayaw na ayaw ko ang pakiramdam na ito. Wala kang choice. Nang makita ko siya na may kasabay na ibang lalaki sa corridor, wala akong ibang naramdaman kundi sakit. Parang tinarakan ako ng higanteng ineksyon sa puso. Hindi ako makahinga ng maayos dahil naninikip ang dibdib ko. Nakangiti pa siya, mukhang masaya. Sana tamaan na lang ako ng kidlat ng sandaling iyon. Pero walang kidlat na dumating. Dumaan sila sa harap ko, masayang nag-uusap, hindi niya man lang ako napansin. Pumasok siya ng kuwarto nang hindi ko nabigay ang dala kong tula at oras sa kanya. Tinago ko sa loob ng uniporme ko ang mga dala ko. Dumerecho akong cr at kinandado ang pinto. Tinapon ko ang rosas at sulat ko at sinunog kasama ng ibang mga basura. Wala nang ebidensya ng katangahan ko. Hindi ako pumasok sa klase ko at natulog na lang sa rooftop. Pagkauwi, mag-isa akong uminom. Gusto kong solohin ang sakit ko ngayon, gusto kong maramdaman ng buong buo para madala na ako at hindi na maulit pa ang katangahan kong ito.

Naging matigas ako. Hindi na ako muling manliligaw o kaya ay magkakagusto sa mga babaeng hindi naman ako gusto. Sasaktan ko lang ang aking sarili

Itutuloy... at aayusin pag sinipag.




Martes, Mayo 7, 2013

Short Story: Superstar


Isa siyang superstar, rockstar na daig pa ang lahat ng bituin sa kalangitan sa kanyang kaningningan. Tanyag ang kanyang pangalan sa bawat sulok ng mundo, walang taong nasa tamang kaisipan ang hindi kilala ang kanyang pangalan. Pag natutunan na ng tao manood ng TV, makapagbasa ng dyaryo o mag-browse ng internet, kamangmangan na lamang ang hindi siya makilala. Sinisigaw ang kanyang pangalan saan man siya magpunta. Pinupuno niya ang bawat arena, coliseum, mall, hotel, o kahit anong open space na kanyang mapuntahan ng mga taong sabik marinig ang kanyang boses at makita ang kanyang matikas na tindig. Bata, matanda, babae, lalaki, bakla, tomboy, butiki man o baboy, siya ang hinahangaan, siya ang pinamamarisan, siya ang tinitingala, lahat ay gustong maging kagaya niya. Hawak niya sa kanyang mga palad ang susunod na pag-uusapan, ang magiging uso sa buong mundo. Siya ang nagtatakda ng susunod na trend para sundan ng sangkatauhan. Siya ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo dala ng kanyang impluwensya at maaaring sa mga susunod pang henerasyon. Biyaya siya ng langit sa mundo. Siya si Ira, isa siyang pilosopo!

Sa dimensyon ng mundong ito, ang kapangyarihan, katanyagan, at yaman ay para sa mga taong ginagamit ang kanilang utak para mag-isip. Hindi ito ibinibigay sa mga taong pa-cute lang, madaldal lang, pasikat lang kahit wala naman talagang kakayanan. Ang mundong ito ay hindi para sa mga taong naghahangad lang ng katanyagan nang sa gayon ay kumita ng maraming pera. Ang mga tao sa mundong ito ay naiintindihan na kapag hinubog mo ang iyong talento at talino ng higit sa kakayanan ng karamihan ay kusang darating ang mga gantimpala sa buhay mo. Hindi mo kailangan gumawa ng sex video, mag-pose ng sexy sa magazine, magmukhang tanga, gumawa ng kakaiba pero walang kuwentang bagay para lang sumikat. Hindi dito hinahabol ang kasikatan o kayamanan, ang hinahabol ng mga tao ay ang walang kaparis na kakayahan ng isip at ng katawan. Greatness.

May malaking pagtitipon ngayon sa bulwagang ipinangalan sa kanya. Ito ang isa sa pinakakilalang tourist attraction sa mundo. Gawa ang gusali mula sa pinakamatitibay at pinakamahal na materyales. Ang mga inhinyero, arkitekto at alagad ng sining na nagtayo nito ay inimbitahan mula sa iba't ibang bansa bilang pagpupugay sa pinakadakilang pilosopo ng mundo. Ang disenyo ay nakaayon sa kanyang unang paniniwala sa esensya ng sining sa mundo, na tinawag niyang Leuchte, gamit ang natural na liwanag mula sa araw ay hindi na kailangang gamitan pa ng kuryente ang buong lugar dahil paniwala niya, lahat ay ibinigay na ng kalikasan, ang dapat nating matutunan ay kung paano makiayon dito. At para ito maisakatuparan, ginamit ng mga inhinyero ang salamin at kristal bilang pangunahing kasangkapan. Nakasabit naman sa pasilyo ang iba't ibang larawan ng kanyang mukha gawa ng mga tanyag na pintor sa iba't ibang larangan gamit ang iba't ibang materyales, sa gitna ay ang kanyang self-portrait.

Ngayon ang araw na inaabangan ng lahat, ang araw ng muli niyang pagsasalita na ginagawa lamang niya isang beses sa isang taon, na mas kilala sa tawag na “Sermocino”. At ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magsasalita siya sa bulwagang ito, o maaaring kahuli-hulihan. Ubos na ang tiket limang araw mula ng ianunsyo kung saan at kailan gaganapin ang kanyang sermocino.

At tulad ng mga nauna niyang sermocino nang nakaraang mga taon, kinakabahan pa rin siya. Anim na buwan niyang pinaghahandaan ang dalawang oras na pangyayaring ito para hindi mabigo ang kanyang mga tagapakinig, at ang buong mundo na mapapanood na lamang sa video o mababasa na lamang sa diyaryo ang kanyang sasabihin. At kasabay nito ay ang paglabas ng kanyang bagong libro na siguradong magiging bestseller ng ilang buwan sa bawat bansa. Ang titulo ng kanyang libro ay nalalaman lamang ng mga tao sa kanyang sermocino, parte ito ng pagpapanabik at pagpapataas ng hype. Ito ang isa sa mga pangyayaring hindi kailangan ng advertisement. At sa nakaraang tatlumpung taon ay hindi niya pa binibigo ang mga tao sa kanyang sermocino at sa kanyang mga librong naisulat. Sa bawat taon ay mas lalo siyang nakikilala at ang panahong ito ang kanyang Golden Age.
May importante siyang sasabihin sa buong mundo na walang sawang nakikinig sa kanya. Ito ang panahong hindi niya hinintay sa mahaba niyang karera sa makinang na mundo ng akademiya. Tiyak niya magugulat ang lahat dahil wala ito sa kanilang hinagap, kahit nga sa sarili niya mismo, hindi niya alam na darating siya sa ganitong pagkakataon. Kasama ang buong mundo ay gusto nilang mabuhay siya magpakailanman, pero katulad ng mga nauna at susunod na mga mortal, hindi maaari.

Naging mahaba at mahirap ang kanyang karera sa akademiya. Noong nagsisimula pa lamang siya at isa pa lamang siyang estudyante sa hayskul ay iba pa ang gusto niyang gawin sa buhay. Gusto niyang maging pintor, iskultor at arkitekto. Gusto niyang maging artist. Naniniwala siya na ang mga artist ang nagpapakita ng tunay na ganda ng mundo gamit ang mga ordinaryong bagay. Umalis siya sa paaralan at naghanap ng taong makakapagturo sa kanya ng bagay na gusto niyang matutunan. At dito niya nakilala si Brinstorm Ligor, isang kilalang pintor ng kanyang henerasyon. Noong una ay ayaw siyang tanggapin nito dahil wala namang nakikitang potensyal sa batang tinigil ang pag-aaral, kumbaga sa prutas, hilaw pa siya. Hindi niya makita ang pagiging artist nito. Pinapabalik niya ito sa paaralan dahil baka hindi niya pa natutunan ang dapat niyang matutunan. Hindi sapat na gusto mo lang, sabi niya dito. Pero hindi tumigil ang batang Ira. Natulog siya ng ilang gabi sa harapan ng bahay ng guro. Nakita ni Ligor ang pagiging pursigido nito kaya napilitan siyang tanggapin. Pagkatapos ng ilang sesyon ng kanilang pag-aaral ay kusang umalis ang batang Ira at hindi na bumalik pa. Natuklasan niyang hindi pala ito ang gusto niya. At patuloy niya itong hinanap sa labas ng paaralan.

Maagang napuno ang bulwagan, kahit isang oras pa bago magsimula ang programa. Kahit mga hindi magkakakilala ang ilang magkakatabi, sa pamamagitan lang ng mga salitang nagmula sa libro ni Ira ay madali silang nagiging magkaibigan. Marami na ring nangyaring ganitong pagkakataon sa mga nakaraang sermocino ni Ira. Sa unang pagkikita sa loob ng awditoryum, bulwagan, court, parking lot, at iba pang lugar, sa tuwing lumalabas ang mga tao ay para na silang matagal na magkakakilala basta mapag-usapan lang nila ang mga teorya ni Ira. Lahat ay intelektuwal. Pinipilit nilang mag-aral ng mabuti nang sa gayon ay masundan nila ang kaisipan ng kanilang idolo. Nasa puso nilang lahat ang pilosopiya ni Ira. Nagpapasalamat na sa henerasyong ito sila isinilang kung kailan sumibol ang buhay ng isang dakilang pilosopo.

Sinisilip niya mula sa gilid ng entablado ang ekspresyon ng mga tao, ano kaya ang dahilan ng kanilang ngiti, ng kanilang simangot, ng kanilang lungkot. Ano kayang iniisip nila ngayon at anong iisipin nila mamaya pagkatapos niyang magsalita. Hindi siya interesadong malaman, gusto niya lang tanungin ang tanong na iyon. Gusto niyang maramdaman na may pagbabago siyang nagawa para sa mga taong hindi niya kilala at kahit kailan ay hindi makikilala, mga taong habambuhay ay ang mga gawa lang niya ang makikita at hindi ang tunay na siya. Masayang isipin pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan.

Dahil sa umalis siya sa paaralan niya ay umalis na rin siya sa bahay nila, at kasunod ay umalis pa siya sa tahanan ng kanyang guro. Handa niyang iwanan ang lahat basta magawa lang niya ang sa tingin niya ay gusto niya. Ganito siya kadeterminado at katigas ang ulo. Wala siyang pakialam sa mangyayari sa kanya basta't hindi niya ito ikamatay. Nguni't sa panahong ito ay hindi niya pa rin maintindihan kung anong gusto niyang gawin, na higit pa sa pakiramdam ng patay, ang kawalan ng direksyon. Bakit niya pinipili ang mahirapan kaysa magpaagos na lang sa takbo ng buhay, mag-aral, maka-graduate at magtrabaho o kaya ay magpinta, mag-ukit, at magdisenyo. Ngayon ay nasa kalsada siya, napapaligiran ng mga taong hindi niya kilala at walang pakialam sa kanya, hindi alam kung saan tamang pumunta, naglalakad ng walang patutunguhan. Umupo siya sa ilalim ng malaking puno ng Bodhi, nilabas ang iilan sa mga gamit sa kanyang bag, dalawang pirasong lapis at isang notebook na may isandaang blankong pahina, ito sana ang gagamitin niyang diary kaso hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magsulat, ngayon lang na wala na sa kanya ang lahat. Nag-isip siya, binalikan ang mga nangyari sa kanya. Sinulat niya ang lahat ng kanyang karanasan at repleksyon niya dito. Dito, sa ilalim ng puno ng Bodhi, sumibol ang una niyang aklat.

Limang minuto na lang, magsisimula na ang programa. Tahimik ang lahat ng nag-aabang. Walang gustong gumawa ng ingay. Nakatingin ang lahat sa entablado, hinihintay marinig ang mahinang yapak ng isang tao, tao katulad nila pero kakaiba sa kanilang mata, espesyal. Sabik na hinihintay masilayan ang anino ng taong dahilan kung bakit sila narito ngayon para magkatipon-tipon. Napapansin kaya nilang nakangiti silang lahat ngayon, tanong ni Ira sa kanyang sarili, at nawawala ang konsepto nila ng oras?

Sa ilalim ng puno ng Bodhi ay malinaw na bumalik sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang alaala ng nakaraang mga taon, lahat ng kanyang iniisip, lahat ng kanyang ideya, parang bukas na gripo sa pagtulo, hindi niya mapigilan. Para siyang inangkin ng hindi maipaliwanag na lakas at ito ang nagsusulat gamit ang kanyang kamay. Hindi talaga siya ang nagsusulat, paniwala niya. Sa loob ng isang linggong walang kain, walang inumin, walang tulog natapos niya ang kanyang libro. Hindi niya namalayan na isang linggo na pala ang nakalipas. Sa kanyang pagsusulat ay napunta siya sa ibang dimensyon kung saan hindi naabot ng kahinaan at limitasyon ang tao.

Paglabas niya ay nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao. Hindi mapigilan ng iba ang pagtulo ng luha sa kanilang mata dala ng kagalakan. Hindi nila mapigilan ang kanilang emosyon. Parang isang panaginip na nasa harap nila si Ira, ilang kilometro lang ang layo ng kanilang idolo sa kanila. Binati niya ang lahat ng magandang gabi at sabay sabay na sumagot ang mga tao ng magandang gabi rin. Nagpakilala siya kahit kilala na siya ng lahat, at nagsimula sa pagkukuwento ng araw pagkatapos niyang magsulat sa ilalim ng puno.

Pagkatapos niyang isulat ang huling letra ay bumalik sa kanya ang lahat ng pagod, gutom at puyat na kanyang nakalimutan. Nagpahinga muna siya sandali. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung anong ginagawa niya, basta ang natatandaan niya ay nagsasalita siya sa harap ng mga tao, hindi rin maalala kung anuman ang sinasabi niya. Pagkagising niya ay wala na ang kanyang bag. Mukhang nanakaw kasama ang kanyang notebook! Pati ba naman ang halos pulubing tulad niya, mananakawan pa. Wala na siyang lakas, ramdam niya ang kahinaan ng kanyang katawan kaya kahit man lang magsalita ay hindi niya magawa. Mamatay na ba siya? Hanggang dito na lang ba siya? mga tanong niya sa kanyang sarili. Sa kanyang pagkakaupo ay may batang hindi niya kilala ang lumapit at binigyan siya ng pagkain at inumin. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa at pasasalamat sa bata. Sa paglipas ng maraming taon ay magkakaroon siya muli ng utang loob sa batang iyon pero kahit kailan ay hindi na niya malalaman. Nang magkaroon na siya ng lakas ay napagdesisyunan niyang umuwi na lamang at bumalik sa kanyang mga magulang, humingi ng tawad at muling ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral. Uunahin niya muna ang sariling buhay, at kung sakaling nasa sapat na siyang pag-iisip ay bakasakaling malalaman na niya ang dapat niyang gawin, baka nga tama ang una niyang guro, hilaw pa siya. Sa kanyang paglalakad pauwi ay may nasalubong siyang matandang lalaki na parang nawawala, tumitingin ito sa paligid na parang may hinahanap. Dahil alam niya ang lugar doon ay lumapit siya dito para tulungan ang nawawalang lalaki. Nakita niya na hawak ng lalaki ang kanyang nawawalang notebook. Dahil sa kabutihang natanggap niya kanina mula sa bata ay hindi siya nagkaroon ng lakas para pagbintangan na magnanakaw ang lalaking may hawak ng kanyang notebook, tinanong niya na lamang ito kung may maitutulong ba siya sa kanya. Hinahanap ko ang may-ari ng notebook na ito, sagot nito sa kanya. Bakit, tanong niya. Nakita ko ang notebook na ito na nakakalat sa isang upuan sa parke, binuksan ko ito at binasa, sa mga unang pahina pa lang, alam ko na isang henyo ang nagsulat nito, kaya gusto kong malaman kung sino ang may gawa nito baka hindi pa siya nakakalayo, sabi ng lalaking maliwanag ang mukha. Ako po ang may-ari ng niyan, sagot niya, at kinuwento niya ang kanyang pinagdaanan bilang pruweba na kanya ang mga karanasang nakasulat doon.

Kita niya mula sa entablado ang liwanag mula sa mga mata ng kanyang manonood, ang kulay ng pag-asa. Marami nga ba siyang nagawa sa kanyang buhay at ito na ang tamang panahon para sa libro niyang ito. Sapat na ba ang kanyang mga karanasan at naiambag sa mundo para ipaalam sa lahat ang kanyang desisyon? May tamang panahon ba para sabihin na sapat na ang isang bagay?

Naging matagumpay ang paglathala ng kanyang unang libro, bumenta ito sa iba't ibang bansa at naisalin sa iba't ibang lenggwahe. Agad siyang nakilala sa kalahating parte ng mundo. Hindi niya mapigilan ang saya sa kanyang dibdib nang malaman kung saan nga ba siya nararapat, kung anong daan nga ba ang dapat niyang tahakin, sa wakas natagpuan na niya ang kanyang kaligayahan. At para mas mapalalim pa ang kaalaman niya sa pilosopiya ay pinag-aralan niya pa ito ng lubos sa ilalim ng tanyag na pilosopo na si Yurich Venchel. Naging proponent siya ng Dialektik Gesellschaftlichen Unbewussten, na pinamumunuan ng nasabing guro, na ang pangunahing paniniwala ay mauunawaan lamang ang kasaysayan ng mundo base sa social unconsciousness ng tao at hindi ito kayang kontrolin ng sinuman, kusa itong nagbabago ng hindi namamalayan ng tao, ang magagawa na lamang ng tao ay magpa-agos dito at magkaroon ng kamalayan kung anuman ang nangyayari sa kanya. Nguni't nang mabasa niya ang libro ni Ferverome Gilsatensque na These auf Grund ay nagbago ang kanyang pananaw. Ayon kay Gilsatensque, ang kasaysayan ng mundo ay hindi nakabase sa unconsious gaya ng paniniwala ni Venchel, ito ay nahuhubog gamit ang reasoning o rasyonal na pag-iisip ng tao, hindi ito nangyayari ng wala sa kontrol ng tao, kung naging mangmang man ang tao, ito ay ginawa niya sa kanyang sarili at hindi ito ibinagsak lamang sa kanya. Choice. At simula nun ay bumaliktad at humiwalay na siya kay Venchel at humubog ng sarili niyang daan. Sa pagdaan ng panahon ay nakabuo siya ng sariling teorya, na ang kasaysayan ng mundo ay nababago lamang ng makapangyarihang mga tao at nitong nakaraang siglo ang kapangyarihang iyon ay hawak ng mga taong nasa mataas na posisyon o mga taong marami ang pag-aari kumpara sa karaniwan, ang kanyang mungkahi, kung nais natin ng mas magandang mundo para sa lahat at mahubog natin ang ninanais nating kinabukasan ay nararapat lamang na bigyan ng kapangyarihan ang mga ordinaryong tao dahil nasa kanilang mga kamay ang susi ng pagbabago at wala sa kamay ng mga nang-aapi.
Sa bago niyang isang libong pahinang libro nakatala ang kanyang buhay. Ang lahat ng pagbabago ng kanyang kaisipan habang siya ay tumatanda at nagkakaroon ng bagong karanasan. Sa bawat taon laging may pagbabago, hindi lang basta dagdag sa mga nauna niyang ideya kundi panibagong paraan kung paano titingnan ang mundo gamit ang mas malinaw na salamin. At habang inaakyat niya ang hagdan patungo sa katotohanan ay mas minamahal siya ng mga tao. Mas dumarami ang nakikinig sa kanya, mas tumataas ang benta ng kanyang mga libro at mas dumadami ang imbitasyon sa kanya para magsalita at magbigay ng lektura. Hanggang sa naging bantog na ang pangalan niya sa bawat sulok ng mundo. Ipinagtaka rin niya ang pangyayaring ito. Bakit siya nagustuhan ng mga tao? Marami namang ibang pilosopo ang naunang maging tanyag sa kanya, mas maraming naisulat na libro at mas maraming teorya ang naiakda, bakit siya? Isang kapwa niya pilosopo ang nakapagbigay ng malinaw na sagot nang tanungin ito sa radyo. Dahil si Ira ay patuloy na hinahanap ang katotohanan. Siya ay alagad ng agham sa larangan ng pilosopiya. Hindi siya takot magkamali kahit na kailangan niyang bumalik sa wala, sa simula. Hindi siya nananatili sa isang ideyang nakita niyang may butas. Ang tanging paninindigan niya ay ang paghahanap sa katotohanan ng ating mundo, ng sansinukob, nating lahat. Binibigyan niya tayo ng panibagong bintana para tingnan ang mundo mula sa labas at loob, at hindi siya maramot na ipakita ang sarili niyang kahinaan, ang mga bagay na hindi niya pa alam. Hindi siya mapagpanggap. At dahil dito ay minahal siya ng mga tao. Siya ang diyosa ng paradox at pinatunayan niya iyon sa kanyang buhay.

Nang ilabas niya ang ikalima niyang libro, binaliktad ang nauna niyang teorya sa ikaapat na libro. Ang una niyang paniniwala tungkol sa kapayapaan, na makakamit lamang ito kung tama ang mga taong nasa kapangyarihan gamit ang nararapat na sistemang pantay para sa lahat, at makakamit lamang ito sa pamamagitan ng karahasan dahil ito ang kapangyarihan ng gobyerno sa kanyang mga tao, ang monopolyo sa karahasan. Nguni't nang makilala niya ng personal si Ker Vash at naging kaibigan ay nagbago muli ang kanyang pananaw at isinulat niya ito sa ikalimang libro. Ang bago niyang paniniwala na walang patutunguhan ang karahasan sa pagkamit ng kapayapaan. Ang karahasan ay mamumunga lamang ng panibagong karahasan. Na ang galit, poot at sakit ay manganganak lang ng mas matinding galit, poot at sakit. Sa huli walang mararating na kapayapaan kundi walang katapusang pighati kahit anong klaseng sistema pa ang gamitin. Kung gusto ng tao ng kapayapaan, ang tanging magagawa niya ay magmahal. Korni mang pakinggan, ayon sa kanya, ito lang ang kailangan ng mundo. At dahil sa paniniwala niyang ito ay marami siyang nakaaway na ibang pilosopo at rebolusyonaryo na dati ay parehas niya ng paniniwala, marami rin siyang nakagalit na mga dating kaibigan. Pero sa kabila noon ay mas minahal siya ng mundo.

Binasa niya ng malakas ang simula ng kanyang libro. Taimtim na nakikinig ang lahat. Ayaw makaligtaan ang kahit isang salitang lumalabas sa kanyang labi, kahit ang paghinto niya sa pagtatapos ng bawat pangungusap. Dahil ngayon lang ito unang maririnig, hindi ito ginawan ng promosyon, at walang ideya ang mga tao kung tungkol saan o anuman ang nakasulat dito pero naniniwala sila na kung anuman ang nakasulat dito ay katotohanan.

"Der Denker hat aufgehört zu denken."

Marami ang naiyak nang marinig ito. Kusang umagos ang luha sa kanilang mga mata ng hindi nila namamalayan. Walang hanggang kalungkutan ang nagsimulang pumukaw sa kanilang mga puso. Hindi nila ito inaasahan. Pero pinigilan nilang lahat na gumawa ng ingay, kahit paghangos, para malinaw pa ring marinig ang sasabihin ng taong nasa harap nila. tumutulo ang sariling luha.

Ang kanyang ideya ng ideyal na gobyerno ay nailathala sa kanyang ikadalawanmpu't limang libro. Tinawag niya itong Freiheit. Mabilis itong naikalat sa buong mundo at hindi nagtagal ay inimbitahan siya ng iba't ibang bansa bilang kasangguni kung paano maisasakatuparan ang sistemang ito. Ayon sa kanya, hindi kailangan gumawa ng maraming batas ng gobyerno, ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang edukasyon ng mga tao, bigyan sila ng sapat na edukasyon para maabot ang ninanais nilang antas ng katalinuhan nang sa gayon ay may kakayahan ang bawat mamamayan na mag-isip para sa kanyang sarili at hindi nakaasa sa kung anumang maibibigay o magagawa sa kanila ng gobyerno, ito ang pagbibigay ng kapangyarihan sa bawat isa. Ang gawain lamang ng gobyerno ay bantayan ang karapatan ng kanilang mamamayan. Sa ngayon ay may limang bansa na ang gumagamit ng ganitong sistema at dahil naging maganda ang resulta ay pinag-iisipan na rin ng ibang bansa na gamitin ito bilang kanilang paraan ng pamumuno. Dahil dito ay mas nakilala siya sa tawag na Salbei der neuen Welt.

Natapos na niyang basahin ang unang kabanata ng libro, halos lahat ng tao sa loob ng bulwagan ay umiiyak na. Ito ay pagpapaalam na sa mahaba at masayang paglalakbay. Hindi siya pagod o yamot. May tamang pagkakataon lang siguro para tumigil, para huminto, at ito ang pagkakataong iyon. Hindi niya gusto, hindi rin niya ayaw, tanggap niya lang na darating ang panahong ito, na kailangang humantong sa ganito. Lahat ng bagay ay may katapusan at ito ang sa kanya. Maaaring huminto na siya sa pag-iisip pero hindi pa rin siya titigil para mabuhay. Tumayo ang lahat at pinalakpakan siya. Ito na siguro ang pinakamalakas at pinakamatagal na palakpak na natanggap niya, at maaaring ito na rin ang huling palakpak na maririnig niya. Umakyat ang mga tao sa entablado at niyakap siya. Walang nagtatanong kung ano ang dahilan ng kanyang paglisan, nirerespeto nila ito kahit masakit. Mula sa malayo ay nakatingin sa kanya ang kanyang asawa, lumuluha, ang batang lalaking nagbigay sa kanya ng pagkain at nag-iwan ng kanyang notebook sa upuan sa parke.


Lunes, Abril 29, 2013

Conversations: Daughter


Pa, ayoko!

Bakit ayaw mo?

I'm not qualified. I don't have the experience.

Nakita mo naman ang trabaho ko, ng mommy mo, pati ng mga kapatid mo. Alam mo na ang gagawin mo.

But it's a different thing. It's the actual.

Alam mo naman na umatras ang dapat na tatakbo kaya ikaw ang sinabi ko sa kanilang ipalit.

Yun na nga Pa, hindi mo man lang ako kinonsulta. You're making decisions for me, I'm old enough to decide what to do with my life.

Alam ko naman kasing kaya mo. Saka alam mo naman ang pangangailangan diba.

Paano naman ako?

Hindi naman kita pababayaan doon. We're going to hire the best people para tulungan ka.

See? Ikaw mismo hindi naniniwala sa akin.

How? Wala naman akong sinabi ah.

You still need to hire people to back me up.

Natural lang yun. We need staff.

As if I don't know what you're talking about.

Naniniwala ako sa'yo kaya nga ikaw ang inendorso ko sa kanila.

Natural lang yun kasi mataas ang posisyon mo, people cannot say no to you.

They believe in me so they better believe in you too.

Will I just always be your shadow?

Anak, sa akin ka kasi nagmana.

No, Pa, we're not talking literally here. And it's not funny.

Pinapangiti lang naman kita, anak. Tulungan mo na ako.

Yung ibang kapatid ko na lang, at least they have the experience.

Kinausap ko na sila, kaya lang ay marami pa silang kailangang gawin sa sarili nilang mga posisyon sa ngayon. Kaya ikaw na lang ang inaasahan ko.

Pa, I'm not ready for it.

Ilang taon ka na anak? Ilan na rin ang mga anak mo? Kailan ka pa magiging handa?

Pa, hindi ako katulad mo. I am not politically motivated. OK na sa akin ang simpleng pamumuhay tulad nito.

Anak, dumadaloy sa dugo mo ang katungkulan ng ating pamilya. When you are called by the people to serve you cannot say no to them, kailangan ka nila.

Pa, wala ka sa kampanya, tayong dalawa lang dito. Stop the bullshits.

But that's the truth, anak.

The truth? You want to know the truth, Pa? you're just going to use me for your political amibitions for the next presidency.

Hindi yan totoo, naniniwala ako sa kakayahan mo, sa magagawa mo.

Let's face it, wala akong kakayahan. P.A. niyo lang ako simula pagka-graduate ko at ilang taon na ako ngayon, P.A. pa rin. I don't have the qualifications to bid for the national position. I don't even have any achievements. All I have is the same surname as you do.

Anak, hindi lang basta apelyido, pati ang dugong dumadaloy sa'yo. Nasa dugo natin ang public service, tandaan mo yan.

Pa, stop using those bullshit lines you keep on using on campaigns. This is not a damn campaign. I am your daughter. I know the truth. I know all your plans. Pero itong plano mong 'to ang hindi ko alam.

OK, since I cannot persuade you with sweet words, I'm going to tell you the truth.

Well, you better be.

We need more power. And with the current administration, we're losing our ground. I'm sure you are aware of my ambition to be the president of this country, and the election is getting nearer. Kailangan nating magpakitang-gilas. Kailangan laging marinig ng mga tao ang pangalan natin sa balita. Kailangan natin ng kapit sa senado. And I need your help, anak.

Thank you for your honesty, Pa. But still, I'm doubtful. Pwede naman siguro kitang tulungan sa ibang paraan.

Paano? This is the best way. You're helping me and you'll also help a lot of people.

Pa, let's be clear if you want to continue with this conversation, let's stop the bullshit about helping people, because obviously it's not our goal. What you want is power coated in helping people. Tayo-tayo na lang dito, and are we still going to be hypocrites?

OK, if that's what you like.

Let's continue.

As I was saying, anak, your achievements doesn't matter. Tingnan mo ang ibang senador, mga artista, yung isa hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral. And look at my friend who was the former president of this country, and the first lady president, mga walang alam sa batas yan but look at them.

So, ang punto-de-vista natin dito ay wala akong alam at hindi ako qualified pero dahil may mga taong nadala sa posisyon gawa ng kanilang apelyido at kasikatan we might as well do the same, right?

Hindi naman sa ganoon anak, ang punto ay hindi kailangan ng maraming alam sa batas.

Pero iyon ang magiging trabaho ko doon. Ayos lang sa'yong magmukha akong tanga sa harap ng lahat?

That's why, as I said earlier, we're going to hire the best people to back you up. Hindi ka magmumukhang tanga.

What if I win, ano nang gagawin ko, makikipagdebate ako sa kanila?

Hindi mo kailangan makipagdebate, we're going to hire the best lawyers and writers in town para ayusin ang sasabihin mo, ang gagawin mo na lang ay basahin ang isusulat nila. Mahirap ba iyon?

How about the campaign, what would be my platform? How should I answer interviews? What if people asked me for debate? Anong gagawin ko?

It's all arranged, anak. You don't have to worry a thing. People will believe what they see in TV anyway. You don't have to participate in debates.

Then, how could I win?

Commercials and surveys, anak. It's all about surveys. We're going to pay these scumbags to condition the mind of people. We're going to place you at the top and let them think that you are winnable. People vote for winnability and not with their principles. Remember that.

I don't know Pa.

I believe in you, anak.

Paano na ang pamilya ko? Paano kung siraan ako ng mga tao? Paano kung saktan nila ang mga anak ko?

Your dad has been in politics in many years to know what and what-not to do. Akong bahala sa inyo. Plus, if you win, imagine what the money and power could do for us. Takot lang ng mga yan na banggain tayo.

I don't know Pa. Paano na lang ang mga taong naniwala sa akin? They'll think I'm just fooling them.

'Cause you are, anak. You're in politics. People know they are fooled and they tolerate it because they don't know any better. We're all fools here, lahat tayo naglolokohan, we are just in the advantage.

You know I'm not used to this kind of business. Maybe I need a vacation to think all through this.

OK. I'll give you time, but be sure to remember the deadline.

Don't pressure me please.

I understand. Nga pala, I already talked to your husband and children.

About?

About this. They all agreed. Ikaw na lang ang hindi pa pumapayag.

What?

Hopefully, that would help your decision.

You have my life already fixed all around your fingers, huh?

This is our commitment to the people. We can't-

Not that bullshit again.

Sorry. Just ponder the future of your kids with all the money, power, and fame around you, I bet someday they're going to lead this poor, rotten country too. And maybe a time will come that we could finally be able to help people as we ought to do.

Bullshit.

Biyernes, Abril 26, 2013

Badtrip Testing


Na-badtrip ka na ba?


Sa panahon ngayon mabilis tayong magalit sa mga simpleng bagay tulad ng mabagal na internet, mainit na panahon, traffic at mga celebrity na walang talento pero madali nating patawarin at nakakalimutan ang atraso ng mga taong inabuso at patuloy inaabuso ang ating bayan, ang ating kapwa, ang ating kalikasan. 


Nagagalit tayo sa mga magnanakaw na kinukuha ang mga bagay na ating pinaghirapan pero wala tayong pakialam sa mga taong ninanakawan ang bawat isa sa atin ng oportunidad para mas mapabuti pa ang ating buhay. 


Kung makapanood ang ilan sa atin ng mga taong inaapi sa mga teleserye, nagagalit tayo, gusto natin silang ipagtanggol dahil naaawa tayo. Pero yung mga pamilyang namamatay sa gutom sa paligid lang natin, tinanggap na natin bilang natural na kalagayan ng ating bayan at wala na tayong magagawa.



Lagi nating naririnig na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatapos ng pag-aaral dahil sa halimbawa ng isang matalino at masipag na bata sa probinsya ayon sa pamantayan ng paaralan, kaso paano na lang ang iba niyang kamag-aral na hindi ganoon katalino dahil madalas ay gutom sa klase, sasabihin pa rin ba nating hindi hadlang ang kahirapan para mapaunlad ang buhay?

Ang mga small time na kriminal nasa kulungan, nabubulok ng literal pero ang mga big time na magnanakaw, mamamatay-tao, human rights violator, drug lords nasa labas, malaya, at hindi lang basta nasa labas, sila ang namumuno ng ating bansa. Sila ang nagdedesisyon kung ano ang nararapat para sa karamihan sa atin.



Maraming bagay pa ang dapat nating ikagalit. Maraming bagay pa ang maaari nating magawa ng dahil sa ating galit. Sabi ni Aristotle, "Anybody can become angry - that is easy, but to be angry with the right person and to the right degree and at the right time and for the right purpose, and in the right way - that is not within everybody's power and is not easy." Dapat lang tayong magalit sa mga maling bagay, sa mga maling nangyayari sa ating mundo, dahil kung hindi, baka hindi na natin alam ang pagkakaiba ng tama mula sa mali dahil isa na tayo sa kanila.