Shit ka!
Aray! Bakit?
Huwag mo nang ipapakita yang mukha mo sa akin kahit kailan.
Tangina mo ka.
Ha? Ano bang nangyayari. Hoy. Kausap pa kita. Saan ka
pupunta?
Pu –tang-ina-mo, bitawan mo ako. Kundi sisigaw ako dito.
Ok. Ayan. Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari.
Ang kapal ng mukha mo. Tatanungin mo pa. Huling huli ka na.
What the fuck. Ano bang pinagsasabi mo? Sandali lang. Hoy.
Ano ba? Tangina, hindi mo man lang ba
sasabihin kung anong nangyayari? Hoy,
bumalik ka dito.
Huwag mo akong sundan!
Ok. Sige. Pero sabihin mo sa akin
kung anong nangyayari. Anong problema mo?
Anong problema ko? Wow ha,
nakakahiya naman sa’yo. Ako pa pala ang may problema.
Bakit? Ako ba ang may problema?
Ako ba ang bigla na lang nagsisisigaw sa kalsada at nageeskandalo?
Tangina mo talaga ka eh no?
Mas tangina ka! Mura ka ng mura,
sigaw ka ng sigaw. Hindi mo sinasabi kung anong problema mo.
Eh gago ka pala eh.
Aray!
Eto tandaan mo. Sa susunod na
makita ko pa yang pagmumukha mo, papatayin na kita. Tandaan mo yan. Kaya
magtago ka na sa lungga ng nanay mo.
Alam mo, tama na. Tama ka, huwag
na tayong magkita. Sawa na ako sa mga bullshit mo. Sawa na akong tiisin ka.
So, ikaw pa pala ang mabuting tao
ngayon. Ikaw pa ang nagtitiis. Hiyang hiya talaga ako sa kapal ng mukha mo no.
Tanginaaa. Sasabihin mo lang kung
anong pinagpuputok ng butsi mo. Yun lang, hindi mo pa magawa.
Alam mo, tama talaga yung mga
sinasabi ng mga kaibigan ko sa’yo. Bakit kasi hindi ako nakinig sa kanila. Asshole ka! Tangina mo kang asshole ka. Sana mamatay ka na.
Hay. Bahala ka.
Siraulo to. Ikaw pa ang may
ganang tumalikod.
Bahala ka sa buhay mo. Baliw!
Ulol! Kung baliw ako, ano ka pa?
Demonyo!
Baliw!
Demonyo!
Baliw!
Demonyo!
Baliw!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento